Pangarap ko
Wohoo eto na eto na bukas na ulit siya haha, grabe ngarag pa rin ako at hindi ko pa talaga totally tapos ang css nito kasi gusto ko palitan yun bg at yun mga font style pero mukha naman bagay diba.Eto na ang magiging multi-blog ko (i.e tagalog, food at baka travel blog) narin kung saka sakali pero naisip ko lang sayang naman nun ginawa ko sa wordpress.com na blog hehe pag iisipan ko ulit, madali naman kasi ako mag sawa eh sa mga ganito.
…magkaron ng FLICKR PRO ACCOUNT, matagal ko na inaasam magkaron nun talaga kasi limitado lang pag ordinary flickr account ka eh. Limang-daan lamang ang pwedeng litrato mo ilagay at wala pa syan “video” ekek. Dapat nakapag upgrade na ko dati kaso lang sa kasaamaang palad mas kinailangan ko gamitin yun pera sa ibang bagay, kaya eto nangangarap pa din hehe.
…magkaron ng bagong “digicam” kasi yun meron ako ngayon medyo luma na (hindi naman sobrang luma) pero sentimental siyang bagay dahil binigay siya ng erpat ko bago ako umuwi ng pilipinas noong 2003. Gusto ko sana magkaron ng DLSR pero mukhang malabo mangyare yun sa ngayon dahil masyadong mahal para sa isang luho lang. Sabagay hihintayin ko na lang siguro ang T300 na binili ni erpat pero malamang pag binigay niya sa akin yun meron nanaman bagong labas phew.
…makapunta ng hong kong ulit pero ngayon pag nakapunta ako uunahin ko talaga pumunta sa DISNEYLAND! jusko matagal ko ng pangarap makita si mickey mouse at ang grupo niya simula pa nun napanood ko sila sa telebisyon.
…magkaron ng isang payapang buhay, ligid sa kaalaman ng iba hindi maganda ang tinatakbo ng buhay ko nitong nakaraang taon, maraming problema dumating, parang naging masyadong masikip ang mundong meron ako.
…na sana dumating na ang takdang panahon na magkasama kami ni rae, hindi pa kasi pwede sa ngayon dahil marami pa akong pangarap at gayun din siya. Hindi naman sa minamadali ko ang panahon basta lang siya na ang makasama ko habang buhay at masaya na ko.
Biglang nag iba ang ihip ng hangin, saka ko na lang pag iisipan muli kung siya na talaga, aruy ang labo ko talaga tsk, dibale ibloblog ko na lang tungkol sa hindi ko inaasahan pangyayari
Korny man pero totoo.






NINA. 22. PINAY. Spoiled brat. Complicated. Loves photography. Self proclaimed shopaholic but not a kikay-type-of-girl. Nostalgic. Enjoy's reading love stories, bubble tea, rainy days.
.If you want to be added here,leave a msg on the tagboard


















